2 Chronicles 16:12 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang ikatatlumpu't siyam na taon ng kanyang paghahari, si Asa ay nagkaroon ng karamdaman sa kanyang mga paa; ang kanyang sakit ay naging malubha. Gayunman, maging sa kanyang pagkakasakit ay hindi niya hinanap ang PANGINOON, kundi humingi ng tulong sa mga manggagamot.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang ika-39 na taon ng paghahari ni Asa, nagtiis siya ng karamdaman sa paa. Kahit malubha na ang kanyang karamdaman, hindi siya humingi ng tulong sa Panginoon kundi sa mga manggagamot.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang ikatatlong put siyam na taon ng kaniyang paghahari, si Asa ay nagkasakit sa kaniyang mga paa; ang kaniyang sakit ay totoong malubha: gayon may sa kaniyang sakit ay hindi niya hinanap ang Panginoon, kundi ang mga manggagamot.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Noong ikatatlumpu't siyam na taon ng kanyang paghahari, nagkaroon siya ng malubhang sakit sa paa. Sa halip na kay Yahweh humingi ng tulong, sa mga manggagamot siya sumangguni.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Noong ikatatlumpu't siyam na taon ng kanyang paghahari, nagkaroon siya ng malubhang sakit sa paa. Sa halip na kay Yahweh humingi ng tulong, sa mga manggagamot siya sumangguni.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Noong ikatatlumpu't siyam na taon ng kanyang paghahari, nagkaroon siya ng malubhang sakit sa paa. Sa halip na kay Yahweh humingi ng tulong, sa mga manggagamot siya sumangguni.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nang ikatatlong pu't siyam na taon ng kaniyang paghahari, si Asa ay nagkasakit sa kaniyang mga paa; ang kaniyang sakit ay totoong malubha: gayon ma'y sa kaniyang sakit ay hindi niya hinanap ang Panginoon, kundi ang mga manggagamot.