2 Chronicles 20:26 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang ikaapat na araw, sila'y nagtipun-tipon sa Libis ng Beraca; sapagkat doo'y pinuri nila ang PANGINOON. Kaya't ang pangalan ng dakong iyon ay tinawag na libis ng Beraca hanggang sa araw na ito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang ikaapat na araw, nagtipon sila sa Lambak ng Beraca kung saan nagpuri sila sa Panginoon. Ito ang dahilan kung bakit tinawag itong Lambak ng Beraca hanggang ngayon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang ikaapat na araw, silay nagpupulong sa libis ng Baracah; sapagkat dooy kanilang pinuri ang Panginoon: kayat ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Libis ng Baracah, hanggang sa araw na ito.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang ikaapat na araw, nagtipon sila sa isang libis at nagpuri kay Yahweh. Kaya, simula noo'y tinawag na Libis ng Beraca ang lugar na iyon.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang ikaapat na araw, nagtipon sila sa isang libis at nagpuri kay Yahweh. Kaya, simula noo'y tinawag na Libis ng Beraca ang lugar na iyon.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nang ikaapat na araw, nagtipon sila sa isang libis at nagpuri kay Yahweh. Kaya, simula noo'y tinawag na Libis ng Beraca ang lugar na iyon.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nang ikaapat na araw, sila'y nagpupulong sa libis ng Baracah; sapagka't doo'y kanilang pinuri ang Panginoon: kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Libis ng Baracah, hanggang sa araw na ito.