2 Chronicles 21:20 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Siya'y tatlumpu't dalawang taong gulang nang siya'y nagsimulang maghari, at siya'y naghari sa Jerusalem sa loob ng walong taon. Siya'y namatay na walang nalungkot. Kanilang inilibing siya sa lunsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Si Jehoram ay 32 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng walong taon. Nang mamatay siya, walang nagluksa sa kanya. Inilibing siya sa Lungsod ni David, pero hindi sa libingan ng mga hari.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
May tatlongput dalawang taon siya nang siyay magpasimulang maghari, at siyay naghari sa Jerusalem na walong taon: at siyay nanaw na walang nagnasang pumigil; at inilibing nila siya sa bayan ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Si Jehoram ay tatlumpu't dalawang taon nang magsimulang maghari, at walong taon siyang namahala. Wala isa mang nalungkot sa kanyang pagkamatay. Doon siya inilibing sa Lunsod ni David ngunit hindi isinama sa libingan ng mga hari.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Si Jehoram ay tatlumpu't dalawang taon nang magsimulang maghari, at walong taon siyang namahala. Wala isa mang nalungkot sa kanyang pagkamatay. Doon siya inilibing sa Lunsod ni David ngunit hindi isinama sa libingan ng mga hari.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Si Jehoram ay tatlumpu't dalawang taon nang magsimulang maghari, at walong taon siyang namahala. Wala isa mang nalungkot sa kanyang pagkamatay. Doon siya inilibing sa Lunsod ni David ngunit hindi isinama sa libingan ng mga hari.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
May tatlongpu't dalawang taon siya nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari sa Jerusalem na walong taon: at siya'y nanaw na walang nagnasang pumigil; at inilibing nila siya sa bayan ni David, nguni't hindi sa mga libingan ng mga hari.