2 Chronicles 22:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit kinuha ni Josabet, na anak na babae ng hari, si Joas na anak ni Ahazias, at ipinuslit siya mula sa mga anak ng hari na malapit nang patayin, at kanyang inilagay siya at ang kanyang yaya sa isang silid-tulugan. Gayon siya ikinubli ni Josabeth, na anak ni Haring Jehoram, at asawa ng paring si Jehoiada, (sapagkat siya'y kapatid ni Ahazias) kay Atalia, kaya't siya'y hindi niya napatay.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero iniligtas ni Jehosheba ang anak ni Ahazia na si Joash nang papatayin na ito at ang iba pang mga anak ng hari. Si Jehosheba ay kapatid ni Ahazia at anak na babae ni Haring Jehoram, at asawa ng paring si Jehoyada. Itinago niya si Joash at ang kanyang yaya sa isang silid sa templo, kaya hindi siya napatay ni Atalia.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngunit kinuha ni Josabeth, na anak na babae ng hari, si Joas na anak ni Ochozias, at inalis niyang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay, at inilagay niya siya at ang kaniyang yaya sa silid na higaan. Gayon ikinubli ni Josabeth, na anak ng haring Joram, na asawa ni Joiada na saserdote, (sapagkat siyay kapatid ni Ochozias) kay Athalia, na anopat siyay hindi napatay.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit naitakas ni Jehosabet ang anak ni Ahazias na si Joas. Itinago niya ito sa isang silid-tulugan sa Templo kasama ng tagapag-alaga. Sa ganoong paraan iniligtas ni Jehosabet ang kanyang pamangking si Joas. Si Jehosabet ay asawa ng paring si Joiada at kapatid ni Ahazias sapagkat sila'y anak ni Haring Jehoram.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit naitakas ni Jehosabet ang anak ni Ahazias na si Joas. Itinago niya ito sa isang silid-tulugan sa Templo kasama ng tagapag-alaga. Sa ganoong paraan iniligtas ni Jehosabet ang kanyang pamangking si Joas. Si Jehosabet ay asawa ng paring si Joiada at kapatid ni Ahazias sapagkat sila'y anak ni Haring Jehoram.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit naitakas ni Jehosabet ang anak ni Ahazias na si Joas. Itinago niya ito sa isang silid-tulugan sa Templo kasama ng tagapag-alaga. Sa ganoong paraan iniligtas ni Jehosabet ang kanyang pamangking si Joas. Si Jehosabet ay asawa ng paring si Joiada at kapatid ni Ahazias sapagkat sila'y anak ni Haring Jehoram.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nguni't kinuha ni Josabeth, na anak na babae ng hari, si Joas na anak ni Ochozias, at inalis niyang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay, at inilagay niya siya at ang kaniyang yaya sa silid na higaan. Gayon ikinubli ni Josabeth, na anak ng haring Joram, na asawa ni Joiada na saserdote, (sapagka't siya'y kapatid ni Ochozias) kay Athalia, na anopa't siya'y hindi napatay.