2 Chronicles 23:3 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang buong kapulungan ay nakipagtipan sa hari sa bahay ng Diyos. At sinabi ni Jehoiada sa kanila, "Narito, ang anak ng hari! Hayaan siyang maghari gaya nang sinabi ng PANGINOON tungkol sa mga anak ni David.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
pumunta sila sa templo at gumawa ng kasunduan kay Joash, na anak ng hari. Sinabi ni Jehoyada sa mga tao, “Ito na ang panahon na ang anak ng hari ay dapat maghari. Nangako ang Panginoon na palaging mayroon sa angkan ni David na maghahari.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang buong kapisanan ay nakipagtipan sa hari sa bahay ng Dios. At sinabi niya sa kanila, Narito, ang anak ng hari ay maghahari, gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa mga anak ni David.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagtipun-tipon sila sa bulwagan ng Templo ng Diyos at nanumpa ng katapatan sa hari. Sinabi sa kanila ni Joiada: “Narito ang anak ng yumaong hari! Dapat siyang maghari ayon sa pangako ni Yahweh tungkol sa mga anak ni David.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagtipun-tipon sila sa bulwagan ng Templo ng Diyos at nanumpa ng katapatan sa hari. Sinabi sa kanila ni Joiada: “Narito ang anak ng yumaong hari! Dapat siyang maghari ayon sa pangako ni Yahweh tungkol sa mga anak ni David.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nagtipun-tipon sila sa bulwagan ng Templo ng Diyos at nanumpa ng katapatan sa hari. Sinabi sa kanila ni Joiada: “Narito ang anak ng yumaong hari! Dapat siyang maghari ayon sa pangako ni Yahweh tungkol sa mga anak ni David.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)