2 Chronicles 26:16 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit nang siya'y lumakas, siya'y naging palalo na siya niyang ikinapahamak. Sapagkat kanyang nilapastangan ang PANGINOON niyang Diyos, at pumasok sa templo ng PANGINOON upang magsunog ng insenso sa ibabaw ng dambana ng insenso.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero nang naging makapangyarihan siya, naging mayabang siya. At ito ang nagpabagsak sa kanya. Hindi siya sumunod sa Panginoon na kanyang Dios, dahil pumasok siya sa templo ng Panginoon at personal na nagsunog ng insenso sa altar.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngunit nang siyay lumakas, ang kaniyang puso ay nagmataas, na anopat siyay gumawa ng kapahamakan, at siyay sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagkat siyay pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Subalit nang maging makapangyarihan si Uzias, naging palalo siya na siyang dahilan ng kanyang pagbagsak. Nilapastangan niya ang Diyos niyang si Yahweh nang pumasok siya sa Templo upang maghandog sa altar na sunugan ng insenso.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Subalit nang maging makapangyarihan si Uzias, naging palalo siya na siyang dahilan ng kanyang pagbagsak. Nilapastangan niya ang Diyos niyang si Yahweh nang pumasok siya sa Templo upang maghandog sa altar na sunugan ng insenso.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Subalit nang maging makapangyarihan si Uzias, naging palalo siya na siyang dahilan ng kanyang pagbagsak. Nilapastangan niya ang Diyos niyang si Yahweh nang pumasok siya sa Templo upang maghandog sa altar na sunugan ng insenso.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nguni't nang siya'y lumakas, ang kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan.