2 Chronicles 29:21 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sila'y nagdala ng pitong baka, pitong tupa, at pitong kordero, at pitong kambing na lalaki, bilang handog pangkasalanan para sa kaharian, sa santuwaryo, at sa Juda. At siya'y nag-utos sa mga pari na mga anak ni Aaron na ihandog ang mga iyon sa dambana ng PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nagdala sila ng pitong toro, pitong lalaking tupa, pitong batang tupa, at pitong lalaking kambing bilang handog sa paglilinis para sa kanilang kaharian, sa templo at sa mga mamamayan ng Juda. Inutusan ni Haring Hezekia ang mga pari na mula sa angkan ni Aaron para ihandog ang mga iyon sa altar ng Panginoon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At silay nagsipagdala ng pitong baka, at pitong tupa, at pitong kordero, at pitong kambing na lalake, na pinakahandog dahil sa kasalanan sa ikagagaling ng kaharian, at ng santuario, at ng Juda. At siyay nagutos sa mga saserdote na mga anak ni Aaron na ihandog ang mga yaon sa dambana ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
May dala silang pitong toro, pitong lalaking tupa, pitong kordero at pitong lalaking kambing na handog pangkasalanan para sa kaharian, sa Templo at sa Juda. Iniutos ng hari sa mga paring mula sa angkan ni Aaron na ihandog ang mga ito sa altar ni Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
May dala silang pitong toro, pitong lalaking tupa, pitong kordero at pitong lalaking kambing na handog pangkasalanan para sa kaharian, sa Templo at sa Juda. Iniutos ng hari sa mga paring mula sa angkan ni Aaron na ihandog ang mga ito sa altar ni Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
May dala silang pitong toro, pitong lalaking tupa, pitong kordero at pitong lalaking kambing na handog pangkasalanan para sa kaharian, sa Templo at sa Juda. Iniutos ng hari sa mga paring mula sa angkan ni Aaron na ihandog ang mga ito sa altar ni Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sila'y nagsipagdala ng pitong baka, at pitong tupa, at pitong kordero, at pitong kambing na lalake, na pinakahandog dahil sa kasalanan sa ikagagaling ng kaharian, at ng santuario, at ng Juda. At siya'y nagutos sa mga saserdote na mga anak ni Aaron na ihandog ang mga yaon sa dambana ng Panginoon.