2 Chronicles 29:24 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang mga iyon ay pinatay ng mga pari at sila'y gumawa ng isang handog pangkasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga iyon sa ibabaw ng dambana, upang ipantubos sa buong Israel. Sapagkat iniutos ng hari na ang handog na sinusunog at ang handog pangkasalanan ay dapat gawin para sa buong Israel.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, kinatay ng mga pari ang mga kambing at ibinuhos ang dugo nito sa altar bilang handog para sa paglilinis ng kasalanan ng lahat ng mga Israelita. Sapagkat nag-utos ang hari na mag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog sa paglilinis para sa lahat ng Israelita.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At mga pinatay ng mga saserdote, at silay nagsigawa ng isang handog dahil sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga yaon sa ibabaw ng dambana, upang itubos sa buong Israel: sapagkat iniutos ng hari na ang handog na susunugin at ang handog dahil sa kasalanan ay gagawin para sa buong Israel.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkatapos, pinatay ng mga pari ang mga kambing at ang dugo ng mga ito'y dinala nila sa altar at inihandog bilang pambayad sa kasalanan ng buong Israel, sapagkat iniutos ng hari na ialay para sa buong Israel ang handog na susunugin at ang handog pangkasalanan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkatapos, pinatay ng mga pari ang mga kambing at ang dugo ng mga ito'y dinala nila sa altar at inihandog bilang pambayad sa kasalanan ng buong Israel, sapagkat iniutos ng hari na ialay para sa buong Israel ang handog na susunugin at ang handog pangkasalanan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagkatapos, pinatay ng mga pari ang mga kambing at ang dugo ng mga ito'y dinala nila sa altar at inihandog bilang pambayad sa kasalanan ng buong Israel, sapagkat iniutos ng hari na ialay para sa buong Israel ang handog na susunugin at ang handog pangkasalanan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At mga pinatay ng mga saserdote, at sila'y nagsigawa ng isang handog dahil sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga yaon sa ibabaw ng dambana, upang itubos sa buong Israel: sapagka't iniutos ng hari na ang handog na susunugin at ang handog dahil sa kasalanan ay gagawin para sa buong Israel.