2 Chronicles 30:5 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't kanilang ipinag-utos na gumawa ng pahayag sa buong Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na ang bayan ay dapat dumating at ipangilin ang paskuwa sa PANGINOONG Diyos ng Israel, sa Jerusalem; sapagkat hindi pa nila ito naipagdiriwang sa malaking bilang gaya ng iniatas.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
kaya nagpadala sila ng mensahe sa buong Israel, mula sa Beersheba hanggang sa Dan, na dapat pumunta ang mga tao sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel para sa Panginoon, ang Dios ng Israel. Sa mga nagdaang pagdiriwang, kakaunti lang ang nagsidalo. Pero sinasabi ng kautusan na dapat dumalo ang lahat.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa gayoy itinatag nila ang pasiya upang magtanyag sa buong Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na silay magsisiparoon na ipangilin ang paskua sa Panginoon, sa Dios ng Israel, sa Jerusalem: sapagkat hindi nila ipinagdiwang sa malaking bilang sa gayong paraan na gaya ng nakasulat.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya't ibinalita nila sa buong Israel mula Beer-seba hanggang Dan na kailangang dumalo ang lahat sa Jerusalem upang idaos ang paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ayon sa ulat, ito ang pagtitipong dinaluhan ng pinakamaraming tao.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya't ibinalita nila sa buong Israel mula Beer-seba hanggang Dan na kailangang dumalo ang lahat sa Jerusalem upang idaos ang paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ayon sa ulat, ito ang pagtitipong dinaluhan ng pinakamaraming tao.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya't ibinalita nila sa buong Israel mula Beer-seba hanggang Dan na kailangang dumalo ang lahat sa Jerusalem upang idaos ang paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ayon sa ulat, ito ang pagtitipong dinaluhan ng pinakamaraming tao.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa gayo'y itinatag nila ang pasiya upang magtanyag sa buong Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na sila'y magsisiparoon na ipangilin ang paskua sa Panginoon, sa Dios ng Israel, sa Jerusalem: sapagka't hindi nila ipinagdiwang sa malaking bilang sa gayong paraan na gaya ng nakasulat.