2 Chronicles 32:26 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Subalit nagpakababa si Hezekias dahil sa pagmamataas ng kanyang puso, siya at ang mga mamamayan ng Jerusalem, kaya't ang poot ng PANGINOON ay hindi dumating sa kanila sa mga araw ni Hezekias.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, nagsisi si Hezekia sa kanyang pagmamalaki, at ganoon din ang mga mamamayan ng Jerusalem. Kaya hindi ipinadama ng Panginoon ang kanyang galit sa kanila habang nabubuhay pa si Hezekia.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Gayon may nagpakababa si Ezechias dahil sa kapalaluan ng kaniyang puso, siya, at gayon din ang mga taga Jerusalem, na anopat ang poot ng Panginoon ay hindi dumating sa kanila sa mga kaarawan ni Ezechias.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit sa bandang huli ay nagpakumbabá siya at ang mga taga-Jerusalem. Dahil dito, hindi pinarusahan ni Yahweh ang sambayanan habang nabubuhay pa si Ezequias.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit sa bandang huli ay nagpakumbabá siya at ang mga taga-Jerusalem. Dahil dito, hindi pinarusahan ni Yahweh ang sambayanan habang nabubuhay pa si Ezequias.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit sa bandang huli ay nagpakumbaba siya at ang mga taga-Jerusalem. Dahil dito, hindi pinarusahan ni Yahweh ang sambayanan habang nabubuhay pa si Ezequias.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Gayon ma'y nagpakababa si Ezechias dahil sa kapalaluan ng kaniyang puso, siya, at gayon din ang mga taga Jerusalem, na anopa't ang poot ng Panginoon ay hindi dumating sa kanila sa mga kaarawan ni Ezechias.