2 Chronicles 34:7 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
ay kanyang winasak ang mga dambana at dinurog ang mga sagradong posted at mga larawang inukit hanggang maging alabok, at pinagputul-putol ang lahat ng dambana ng insenso sa buong lupain ng Israel. Pagkatapos ay bumalik siya sa Jerusalem.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ipinagiba niya ang mga altar at ang mga posteng simbolo ng diosang si Ashera, at ipinadurog ang mga dios-diosan at ang mga altar na pagsusunugan ng insenso. Pagkatapos niyang gawin ito sa buong Israel, umuwi siya sa Jerusalem.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kaniyang ibinagsak ang mga dambana at pinukpok ang mga Asera at ang mga larawang inanyuan ay dinurog, at pinagputolputol ang lahat na larawang araw sa buong lupain ng Israel, at nagbalik sa Jerusalem.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Matapos niyang gawin ang lahat ng ito sa buong Israel, bumalik na siya sa Jerusalem.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Matapos niyang gawin ang lahat ng ito sa buong Israel, bumalik na siya sa Jerusalem.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Matapos niyang gawin ang lahat ng ito sa buong Israel, bumalik na siya sa Jerusalem.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)