2 Chronicles 35:1 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nagdiwang si Josias sa Jerusalem ng isang paskuwa sa PANGINOON; at kanilang kinatay ang kordero ng paskuwa sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang ika-14 na araw ng unang buwan, nagdiwang si Haring Josia ng Pista ng Paglampas ng Anghel sa Jerusalem bilang pagpaparangal sa Panginoon. Nagkatay sila ng tupa para sa pistang ito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ipinagdiwang ni Josias ang isang paskua sa Panginoon sa Jerusalem; at kanilang pinatay ang kordero ng paskua, sa ikalabing apat na araw ng unang buwan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Iniutos ni Josias na ang Paskwa ni Yahweh ay ipagdiwang sa Jerusalem noong ikalabing apat na araw ng unang buwan. Kaya't pinatay nila ang mga korderong pampaskwa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Iniutos ni Josias na ang Paskwa ni Yahweh ay ipagdiwang sa Jerusalem noong ikalabing apat na araw ng unang buwan. Kaya't pinatay nila ang mga korderong pampaskwa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Iniutos ni Josias na ang Paskwa ni Yahweh ay ipagdiwang sa Jerusalem noong ikalabing apat na araw ng unang buwan. Kaya't pinatay nila ang mga korderong pampaskwa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)