2 Corinthians 11:16 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Inuulit ko, huwag isipin ng sinuman na ako'y hangal, ngunit kung gayon ang inyong iniisip, tanggapin ninyo ako bilang isang hangal upang ako rin ay makapagmalaki ng kaunti.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Inuulit ko, huwag ninyong isipin na isa akong hangal. Pero kung ganyan ang tingin ninyo sa akin, hindi na bale, basta hayaan ninyo akong magmalaki nang kahit kaunti.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Muling sinasabi ko, Huwag isipin ng sinoman na akoy mangmang; ngunit kung gayon, gayon may tanggapin ninyo akong gaya ng isang mangmang, upang ako naman ay makapagmapuri ng kaunti.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Inuulit ko, huwag isipin ninuman na ako'y hangal. Ngunit kung ganoon ang akala ninyo, tatanggapin ko na, upang ako man ay makapagyabang tulad ng isang hangal.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Inuulit ko, huwag isipin ninuman na ako'y hangal. Ngunit kung ganoon ang akala ninyo, tatanggapin ko na, upang ako man ay makapagyabang tulad ng isang hangal.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Inuulit ko, huwag isipin ninuman na ako'y hangal. Ngunit kung ganoon ang akala ninyo, tatanggapin ko na, upang ako man ay makapagyabang nang kaunti.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Muling sinasabi ko, Huwag isipin ng sinoman na ako'y mangmang; nguni't kung gayon, gayon ma'y tanggapin ninyo akong gaya ng isang mangmang, upang ako naman ay makapagmapuri ng kaunti.