2 Corinthians 11:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ako'y nakakaramdam sa inyo ng maka-Diyos na panibugho, sapagkat kayo'y itinakda kong mapangasawa ng isang lalaki, na kayo'y maiharap ko kay Cristo bilang isang malinis na birhen.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Makadios na pagseselos kasi ang nararamdaman ko para sa inyo. Sapagkat tulad kayo ng isang dalagang birhen na ipinangako kong ipapakasal sa isang lalaki, si Cristo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat akoy naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagkat kayoy aking pinapagasawa sa isa, upang kayoy maiharap ko kay Cristo na tulad sa dalagang malinis.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang pagmamalasakit ko sa inyo ay katulad ng pagmamalasakit ng Diyos. Ang katulad ninyo ay isang malinis na dalagang ipinakipagtipan ko sa isang lalaki, walang iba kundi si Cristo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang pagmamalasakit ko sa inyo ay katulad ng pagmamalasakit ng Diyos. Ang katulad ninyo ay isang malinis na dalagang ipinakipagtipan ko sa isang lalaki, walang iba kundi si Cristo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nag-aalala ako sa inyo tulad ng pag-aalala ng Diyos. Ang katulad ninyo ay isang malinis na dalagang ipinakipagtipan ko sa isang lalaki, walang iba kundi si Cristo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't ako'y naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka't kayo'y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Cristo na tulad sa dalagang malinis.