2 Corinthians 11:21 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sa aking kahihiyan ay dapat kong sabihin, napakahina namin sa ganito! Ngunit kung ang sinuman ay malakas ang loob na nagmamalaki — ako ay nagsasalita bilang hangal — malakas din ang loob ko na ipagmalaki iyon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nakakahiya mang aminin na mahihina kami, pero hindi namin kayang gawin ang mga iyan! Kung may magmamalaki riyan, magmamalaki rin ako, kahit na magmukha akong hangal sa sinasabi ko.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sinasalita ko ang tungkol sa kapulaan, na wari ay naging mahina kami. Ngunit kung ang sinoman ay matapang sa anoman (nangungusap ako sa kamangmangan), akoy matapang din naman.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kahiya-hiya man ay aaminin kong hindi namin kayang gawin iyan! Kung may nakapagyayabang, ako'y makapagyayabang din at ako'y nakapagsasalita tulad ng isang hangal.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kahiya-hiya man ay aaminin kong hindi namin kayang gawin iyan! Kung may nakapagyayabang, ako'y makapagyayabang din at ako'y nakapagsasalita tulad ng isang hangal.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nakakahiya man ay aaminin kong hindi namin kayang gawin iyan! Kung may nangangahas na magyabang, ako'y mangangahas din na magyabang. Ako'y nagsasalita tulad ng isang hangal.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sinasalita ko ang tungkol sa kapulaan, na wari ay naging mahina kami. Nguni't kung ang sinoman ay matapang sa anoman (nangungusap ako sa kamangmangan), ako'y matapang din naman.