2 Corinthians 11:9 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At nang ako'y kasama ninyo at nasa pangangailangan, ako'y hindi naging pasanin sa kanino man, sapagkat ang aking mga pangangailangan ay tinustusan ng mga kapatid na galing sa Macedonia. Kaya't aking iniwasan at iiwasan na maging pasanin ninyo sa anumang paraan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At noong kinapos ako sa aking mga pangangailangan habang kasama ninyo, hindi ako naging pabigat kaninuman sa inyo. Ang ating mga kapatid na dumating mula sa Macedonia ang nagbigay ng aking mga pangangailangan. Iniwasan kong maging pabigat sa inyo at iyan ang palagi kong gagawin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At pagka akoy kaharap ninyo at akoy nagkukulang ng ikabubuhay, akoy hindi naging pasan sa kanino man; sapagkat mga kapatid nang silay manggaling sa Macedonia ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At nang ako'y kapusin diyan, hindi ako nakabigat kaninuman sa inyo sapagkat dinalhan ako ng tulong ng mga kapatid sa Macedonia. Mula't sapul ay iniwasan kong makabigat sa inyo sa anumang paraan, at iyan ang gagawin ko habang panahon.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At nang ako'y kapusin diyan, hindi ako nakabigat kaninuman sa inyo sapagkat dinalhan ako ng tulong ng mga kapatid sa Macedonia. Mula't sapul ay iniwasan kong makabigat sa inyo sa anumang paraan, at iyan ang gagawin ko habang panahon.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At nang ako'y kapusin diyan, hindi ako naging pabigat kaninuman sa inyo sapagkat dinalhan ako ng tulong ng mga kapatid sa Macedonia. Iniwasan ko, at patuloy kong iiwasan na maging pabigat sa inyo sa anumang paraan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.