2 Corinthians 12:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat sa ano kayo naging huli sa ibang mga iglesya, maliban sa ako'y hindi naging pasanin ninyo? Patawarin ninyo ako sa pagkakamaling ito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kung ano ang mga ginawa ko riyan sa inyo, ganoon din ang ginawa ko sa ibang mga iglesya, maliban na lamang sa hindi ko paghingi ng tulong sa inyo. Kung sa inyoʼy isa itong pagkakamali, patawarin sana ninyo ako!
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat ano nga ang inyong ikinahuli sa ibang mga iglesia, kundi ang akoy hindi naging pasanin ninyo? ipatawad ninyo sa akin ang kamaliang ito.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Paano nakalamang sa inyo ang ibang mga iglesya? Hindi sila nakalamang, liban sa pangyayaring hindi ako humingi sa inyo ng kahit anong tulong. Ipagpatawad ninyo kung iyon ay isang pagkukulang.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Paano nakalamang sa inyo ang ibang mga iglesya? Hindi sila nakalamang, liban sa pangyayaring hindi ako humingi sa inyo ng kahit anong tulong. Ipagpatawad ninyo kung iyon ay isang pagkukulang.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Paano nakalamang sa inyo ang ibang mga iglesya? Sila'y nakalamang dahil hindi ako naging pabigat sa inyo. Ipagpatawad ninyo ang pagkukulang kong iyon.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't ano nga ang inyong ikinahuli sa ibang mga iglesia, kundi ang ako'y hindi naging pasanin ninyo? ipatawad ninyo sa akin ang kamaliang ito.