2 Corinthians 12:3 — Compare Translations
6 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At nalalaman ko na ang taong iyon (kung nasa katawan man, o nasa labas ng katawan, hindi ko alam; ang Diyos ang nakakaalam),
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nakikilala ko ang taong iyan (maging sa katawan, o sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam),
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Inuulit ko, siya'y dinala sa Paraiso. At tulad ng sabi ko, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ito nga'y isang pangitain o tunay na pangyayari.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Inuulit ko, siya'y dinala sa Paraiso. At tulad ng sabi ko, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ito nga'y isang pangitain o tunay na pangyayari.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Alam kong ang taong iyon ay dinala sa Paraiso. Hindi ko lang alam kung iyon ay isang pangitain o tunay na pangyayari. Tanging Diyos ang nakakaalam.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nakikilala ko ang taong iyan (maging sa katawan, o sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam),