2 Corinthians 12:4 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
ay dinala paitaas patungo sa Paraiso, at nakarinig ng mga salitang hindi dapat sabihin, na hindi ipinahihintulot sa tao na ulitin.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang tanging alam ko ay nakarating ako sa Paraiso, at narinig ko roon ang mga kamangha-manghang bagay na hindi kayang ipaliwanag at hindi dapat sabihin kahit kanino.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Na kung paanong siyay inagaw sa Paraiso, at nakarinig ng mga salitang di masayod na hindi nararapat salitain ng tao.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nakarinig siya roon ng mga bagay na di kayang ilarawan ng salita at di dapat bigkasin ninuman.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nakarinig siya roon ng mga bagay na di kayang ilarawan ng salita at di dapat bigkasin ninuman.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nakarinig siya ng mga bagay na hindi kayang ilarawan ng salita at hindi maaaring sabihin ninuman.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Na kung paanong siya'y inagaw sa Paraiso, at nakarinig ng mga salitang di masayod na hindi nararapat salitain ng tao.