2 Corinthians 12:6 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit kung nais kong magmalaki ay hindi ako magiging hangal, sapagkat ako'y magsasabi ng katotohanan. Ngunit nagpipigil ako upang walang sinumang mag-isip ng higit tungkol sa akin kaysa kanyang nakita o narinig sa akin,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At kung magmamalaki man ako, hindi ako magmimistulang hangal, dahil totoo naman ang aking sasabihin. Pero hindi ko ito gagawin dahil baka sumobra ang palagay ng ilan sa akin kaysa sa nakikita nila sa aking pamumuhay.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat kung ibigin kong akoy magmapuri, ay hindi ako magiging mangmang; sapagkat sasalitain ko ang katotohanan: ngunit nagpipigil ako, baka ang sinoman ay magakalang akoy mataas sa nakikita niya sa akin, o naririnig sa akin.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At kung ako'y magmalaki man, hindi ako lalabas na hangal, sapagkat totoo ang sasabihin ko. Ngunit hindi ko ito gagawin, sapagkat ayaw kong mag-isip ang sinuman nang higit tungkol sa akin kaysa kanyang nakita o narinig sa akin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At kung ako'y magmalaki man, hindi ako lalabas na hangal, sapagkat totoo ang sasabihin ko. Ngunit hindi ko ito gagawin, sapagkat ayaw kong mag-isip ang sinuman nang higit tungkol sa akin kaysa kanyang nakita o narinig sa akin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At kung ako'y magmalaki man, hindi ako lalabas na hangal, sapagkat totoo ang sasabihin ko. Ngunit hindi ko ito gagawin, sapagkat ayaw kong mag-isip ang sinuman nang higit tungkol sa akin kaysa kanyang nakita o narinig sa akin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't kung ibigin kong ako'y magmapuri, ay hindi ako magiging mangmang; sapagka't sasalitain ko ang katotohanan: nguni't nagpipigil ako, baka ang sinoman ay magakalang ako'y mataas sa nakikita niya sa akin, o naririnig sa akin.