2 Corinthians 4:3 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At kahit ang aming ebanghelyo ay natatalukbungan pa, ito ay may talukbong lamang sa mga napapahamak.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ngunit kung may mga hindi nakakaintindi sa Magandang Balita na aming ipinapahayag, ito ay ang mga taong napapahamak.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kung may tabing pa ang Magandang Balitang ipinapahayag namin, ito'y natatabingan lamang para sa mga napapahamak.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kung may tabing pa ang Magandang Balitang ipinapahayag namin, ito'y natatabingan lamang para sa mga napapahamak.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kung may talukbong pa ang Magandang Balitang ipinapahayag namin, ito'y may talukbong lamang sa mga napapahamak.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: