2 Corinthians 8:12 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat kung mayroong pagnanais, tinatanggap ang kaloob ayon sa tinataglay, at hindi ayon sa hindi tinataglay.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sapagkat kung kusang-loob ang inyong pagbibigay, tatanggapin ng Dios ang anumang makayanan ninyo. Hindi niya kayo pinagbibigay nang hindi ninyo kaya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat kung may sikap, ay tinatanggap ayon sa tinataglay, hindi ayon sa di tinataglay.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sapagkat kung bukal sa kalooban ang pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang inyong nakayanan; hindi niya hinihintay na magbigay kayo nang hindi ninyo kaya.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sapagkat kung bukal sa kalooban ang pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang inyong nakayanan; hindi niya hinihintay na magbigay kayo nang hindi ninyo kaya.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sapagkat kung may hangaring magbigay, tatanggapin ng Diyos ang inyong kaloob ayon sa inyong makakaya at hindi ayon sa hindi ninyo kaya.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't kung may sikap, ay tinatanggap ayon sa tinataglay, hindi ayon sa di tinataglay.