2 Corinthians 8:19 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At hindi lamang iyon, kundi siya ay hinirang ng mga iglesya na maglakbay na kasama namin ukol sa biyayang ito na aming pinangangasiwaan, sa ikaluluwalhati ng Panginoon, at upang ipakita ang aming pagnanais.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Hindi lang iyan, siya rin ang pinili ng mga iglesya na sumama sa amin para magdala ng tulong sa mga nangangailangan, nang sa ganoon ay maparangalan ang Panginoon at maipakita namin na talagang gusto naming makatulong.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At hindi lamang gayon, kundi siya naman ang inihalal ng mga iglesia na maglakbay na kasama namin tungkol sa biyayang ito, na pinangangasiwaan namin sa ikaluluwalhati ng Panginoon, at upang ipamalas ang aming sikap:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hindi lamang iyan! Siya'y pinili ng mga iglesya upang maglakbay kasama namin at tulungan kami sa pangangasiwa sa gawaing ito. Ang ganitong paglilingkod ay para sa ikadadakila ng Panginoon, at sa aming marubdob na hangaring matulungan kayo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Hindi lamang iyan! Siya'y pinili ng mga iglesya upang maglakbay kasama namin at tulungan kami sa pangangasiwa sa gawaing ito. Ang ganitong paglilingkod ay para sa ikadadakila ng Panginoon, at sa aming marubdob na hangaring matulungan kayo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Hindi lamang iyan! Siya'y pinili ng mga iglesya upang maglakbay kasama namin at tulungan kami sa pangangasiwa sa gawaing ito. Ang ganitong pagkakawanggawa ay para sa ikaluluwalhati ng Panginoon at upang maipakita ang aming hangaring makatulong.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)