2 Corinthians 9:4 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
baka sakaling kung ang ilang taga-Macedonia ay dumating na kasama ko at kayo'y maratnang hindi handa, kami ay mapapahiya upang hindi na namin sabihing pati kayo, sa pagtitiwalang ito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sapagkat kung dumating ako riyan kasama ang ilang mga taga-Macedonia at makita nilang hindi pa pala kayo handa sa inyong ibibigay gaya ng sinabi ko sa kanila, mapapahiya ako at pati na rin kayo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Baka sakaling sa anomang paraan kung magsirating na kasama ko ang ilang taga Macedonia at kayoy maratnang hindi nangahahanda, kami (upang huwag sabihing kayo) ay mangapahiya sa pagkakatiwalang ito.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Baka kami mapahiya, huwag nang sabihing pati kayo, kung may mga taga-Macedonia na sumama sa akin at makita nilang hindi pala kayo handa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Baka kami mapahiya, huwag nang sabihing pati kayo, kung may mga taga-Macedonia na sumama sa akin at makita nilang hindi pala kayo handa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kung hindi, kung may mga taga-Macedonia na sumama sa akin at makita nilang hindi pala kayo handa, baka mapahiya ako at pati kayo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Baka sakaling sa anomang paraan kung magsirating na kasama ko ang ilang taga Macedonia at kayo'y maratnang hindi nangahahanda, kami (upang huwag sabihing kayo) ay mangapahiya sa pagkakatiwalang ito.