2 Kings 15:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkatapos si Menahem na anak ni Gadi ay umahon mula sa Tirsa at dumating sa Samaria, at kanyang sinaktan si Shallum na anak ni Jabes sa Samaria, at pinatay siya at nagharing kapalit niya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pinatay siya ni Menahem na anak ni Gadi nang dumating ito sa Samaria galing Tirza. Si Menahem ang pumalit kay Shalum bilang hari.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At si Manahem na anak ni Gadi ay umahon mula sa Thirza, at naparoon sa Samaria, at sinaktan si Sallum na anak ni Jabes sa Samaria, at pinatay niya siya at naghari na kahalili niya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mula sa Tirza, dumating si Menahem na anak ni Gadi at sinalakay ang Samaria. Pinatay niya si Sallum at siya ang pumalit bilang hari.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mula sa Tirza, dumating si Menahem na anak ni Gadi at sinalakay ang Samaria. Pinatay niya si Sallum at siya ang pumalit bilang hari.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mula sa Tirza, dumating si Menahem na anak ni Gadi at sinalakay ang Samaria. Pinatay niya si Sallum at siya ang pumalit bilang hari.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)