2 Kings 15:16 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang panahong iyon, ginapi ni Menahem si Tifsa at ang lahat ng naroroon, at ang mga nasasakupan nito mula sa Tirsa, sapagkat siya ay hindi nila pinagbuksan, kaya't sinakop niya ito; at biniyak niya ang tiyan ng lahat ng babaing buntis na naroroon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang mga panahong iyon, nilusob ni Menahem ang Tifsa at ang mga lugar sa paligid nito hanggang sa Tirza, dahil ang mga naninirahan dito ay ayaw sumuko sa kanya. Pinatay niya ang lahat ng naninirahan dito at hinati ang tiyan ng mga buntis.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nang magkagayoy sinaktan ni Manahem si Tiphsa, at ang lahat na nandoon, at ang mga hangganan niyaon, mula sa Thirza: sapagkat hindi nila siya pinabuksan, kayat sinaktan niya; at ang lahat na babae na nandoon na buntis ay pinaluwa niya ang bituka.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mula sa Tirza patungong Samaria, winasak ni Menahem ang Tapua sapagkat ayaw nilang sumuko sa kanya. Wala siyang pinatawad at ipinabiyak niya pati ang tiyan ng mga buntis.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mula sa Tirza patungong Samaria, winasak ni Menahem ang Tapua sapagkat ayaw nilang sumuko sa kanya. Wala siyang pinatawad at ipinabiyak niya pati ang tiyan ng mga buntis.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mula sa Tirza patungong Samaria, winasak ni Menahem ang Tapua sapagkat ayaw nilang sumuko sa kanya. Wala siyang pinatawad at ipinabiyak niya pati ang tiyan ng mga buntis.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y sinaktan ni Manahem si Tiphsa, at ang lahat na nandoon, at ang mga hangganan niyaon, mula sa Thirza: sapagka't hindi nila siya pinabuksan, kaya't sinaktan niya; at ang lahat na babae na nandoon na buntis ay pinaluwa niya ang bituka.