2 Kings 16:17 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At pinutol ni Haring Ahaz ang mga balangkas ng mga patungan at inalis sa mga iyon ang hugasan. Kanyang ibinaba ang malaking tangke ng tubig mula sa mga bakang tanso na nasa ilalim niyon at ipinatong sa isang patungang bato.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, inalis ni Haring Ahaz ang mga dingding ng kariton at mga planggana na nasa ibabaw nito. Inalis rin niya ang malaking kawa ng tubig na tinatawag na Dagat sa likod ng mga tansong toro at inilagay ito sa patungang bato.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At pinutol ng haring Achaz ang mga hangganan ng mga tungtungan, at inalis sa mga yaon ang hugasan, at ibinaba ang dagatdagatan mula sa mga bakang tanso na nasa ilalim niyaon, at ipinatong sa isang pavimentong bato.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinira ni Haring Ahaz ang mga patungang tanso at inalis ang mga palangganang naroon. Inalis din niya ang malaking tangke na yari sa tanso sa patungan nitong mga bakang tanso at inilipat sa isang patungang bato.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinira ni Haring Ahaz ang mga patungang tanso at inalis ang mga palangganang naroon. Inalis din niya ang malaking tangke na yari sa tanso sa patungan nitong mga bakang tanso at inilipat sa isang patungang bato.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinira ni Haring Ahaz ang mga patungang tanso at inalis ang mga palangganang naroon. Inalis din niya ang malaking tangke na yari sa tanso sa patungan nitong mga bakang tanso at inilipat sa isang patungang bato.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)