2 Kings 17:35 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang PANGINOON ay nakipagtipan sa kanila at inutusan sila, "Kayo'y huwag matatakot sa ibang mga diyos, o magsisiyukod man sa kanila, o maglilingkod man sa kanila, o maghahandog man sa kanila;
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Gumawa ang Panginoon ng kasunduan sa mga Israelita, at iniutos sa kanila: “Huwag kayong sumamba sa mga dios-diosan o lumuhod sa kanila o maglingkod, o kayaʼy maghandog sa kanila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Na siyang pinakipagtipanan ng Panginoon, at pinagbilinan na sinasabi, Kayoy huwag mangatatakot sa ibang mga dios, o nagsisiyukod man sa kanila, o magsisipaglingkod man sa kanila, o magsisipaghain man sa kanila:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Gumawa si Yahweh ng kasunduan sa kanila at inutusan sila na, “Huwag kayong sasamba sa ibang diyos, ni yuyukod o maglilingkod o maghahandog sa kanila.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Gumawa si Yahweh ng kasunduan sa kanila at inutusan sila na, “Huwag kayong sasamba sa ibang diyos, ni yuyukod o maglilingkod o maghahandog sa kanila.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Gumawa si Yahweh ng kasunduan sa kanila at inutusan sila na, “Huwag kayong sasamba sa ibang diyos, ni yuyukod o maglilingkod o maghahandog sa kanila.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Na siyang pinakipagtipanan ng Panginoon, at pinagbilinan na sinasabi, Kayo'y huwag mangatatakot sa ibang mga dios, o nagsisiyukod man sa kanila, o magsisipaglingkod man sa kanila, o magsisipaghain man sa kanila: