2 Kings 19:12 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nailigtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa, ang mga bansang winasak ng aking mga ninuno — ang Gozan, Haran, Resef, at ang mga mamamayan ng Eden na nasa Telasar?
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nailigtas ba ang mga bansang ito ng dios nila? Ang mga lungsod ng Gozan, Haran, Reshef at ang mga mamamayan ng Eden na nasa Tel Asar ay nilipol ng mga ninuno ko.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Iniligtas ba sila ng mga dios ng mga bansa na nilipol ng aking mga magulang, gaya ng Gozan, at ng Haran, at ng Reseph, at ng mga anak ni Eden na nangasa Thalasar?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nailigtas ba ng kanilang mga diyos ang Gozan, ang Haran, ang Rezef at ang mga taga-Eden sa Telasar na tinalo ng aking mga ninuno?
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nailigtas ba ng kanilang mga diyos ang Gozan, ang Haran, ang Rezef at ang mga taga-Eden sa Telasar na tinalo ng aking mga ninuno?
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nailigtas ba ng kanilang mga diyos ang Gozan, ang Haran, ang Rezef at ang mga taga-Eden sa Telasar na tinalo ng aking mga ninuno?
Tagalog TLBA (Ang Biblia)