2 Kings 19:3 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sinabi nila sa kanya, "Ganito ang sabi ni Hezekias, Ang araw na ito ay araw ng kabagabagan, ng pagsaway at ng kahihiyan. Ang mga bata ay dumating na sa kapanganakan, at walang lakas upang sila'y mailuwal.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagdating nila kay Isaias, sinabi nila sa kanya, “Ito ang sinabi ni Haring Hezekia: Ito ang panahon ng paghihirap, pagtutuwid at kahihiyan. Katulad tayo ng isang babae na malapit nang manganak na wala ng lakas para iluwal ang sanggol.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi nila sa kaniya, Ganito ang sabi ni Ezechias, Ang araw na ito ay araw ng kabagabagan, at ng pagsaway, at ng pagkutya: sapagkat ang mga anak ay nagsidating sa kapanganakan, at walang kalakasang ilabas.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ipinasabi niya, “Ngayon ay araw ng kahirapan, kaparusahan at kahihiyan. Para tayong mga batang dapat nang isilang ngunit hindi mailabas sapagkat ang ina nito'y wala nang lakas.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ipinasabi niya, “Ngayon ay araw ng kahirapan, kaparusahan at kahihiyan. Para tayong mga batang dapat nang isilang ngunit hindi mailabas sapagkat ang ina nito'y wala nang lakas.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ipinasabi niya, “Ngayon ay araw ng kahirapan, kaparusahan at kahihiyan. Para tayong mga batang dapat nang isilang ngunit hindi mailabas sapagkat ang ina nito'y wala nang lakas.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinabi nila sa kaniya, Ganito ang sabi ni Ezechias, Ang araw na ito ay araw ng kabagabagan, at ng pagsaway, at ng pagkutya: sapagka't ang mga anak ay nagsidating sa kapanganakan, at walang kalakasang ilabas.