2 Kings 20:15 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kanyang sinabi, "Anong nakita nila sa iyong bahay?" At sumagot si Hezekias, "Kanilang nakita ang lahat ng nasa aking bahay. Walang anumang bagay na nasa aking mga bodega ang hindi ko ipinakita sa kanila."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nagtanong pa ang propeta, “Ano ang nakita nila sa palasyo mo?” Sumagot si Hezekia, “Nakita nila ang lahat ng bagay sa palasyo ko. Wala kahit isa sa mga kayamanan ko ang hindi ko ipinakita sa kanila.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kaniyang sinabi, Anong kanilang nakita sa iyong bahay? At sumagot si Ezechias. Lahat na nasa aking bahay ay kanilang nakita: walang anomang bagay na nasa aking mga kayamanan na di ko ipinakita sa kanila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Ano ba ang nakita nila sa iyong palasyo?” tanong uli ni Isaias. “Ipinakita ko sa kanila ang lahat ng narito. Wala akong inilihim,” sagot ni Ezequias.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Ano ba ang nakita nila sa iyong palasyo?” tanong uli ni Isaias. “Ipinakita ko sa kanila ang lahat ng narito. Wala akong inilihim,” sagot ni Ezequias.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Ano ba ang nakita nila sa iyong palasyo?” tanong uli ni Isaias. “Ipinakita ko sa kanila ang lahat ng narito. Wala akong inilihim,” sagot ni Ezequias.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)