2 Kings 23:7 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kanyang giniba ang mga bahay ng mga lalaking nagbibili ng aliw na nasa bahay ng PANGINOON, na pinagtatahian ng mga babae ng tabing para sa Ashera.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ipinagiba rin niya ang mga bahay ng mga lalaki at babaeng bayaran na nasa templo ng Panginoon, kung saan nananahi ang mga babae ng mga damit na ginagamit sa pagsamba kay Ashera.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kaniyang ibinagsak ang mga bahay ng mga sodomita, na nangasa bahay ng Panginoon, na pinagtatahian ng mga tabing ng mga babae para sa mga Asera.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ipinagiba rin niya ang tirahan ng mga lalaki at babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw sa templo bilang pagsamba kung saan hinahabi rin ng mga babae ang mga toldang ginagamit sa pagsamba sa diyus-diyosang si Ashera.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ipinagiba rin niya ang tirahan ng mga lalaki at babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw sa templo bilang pagsamba kung saan hinahabi rin ng mga babae ang mga toldang ginagamit sa pagsamba sa diyus-diyosang si Ashera.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ipinagiba rin niya ang tirahan ng mga lalaki at babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw sa templo bilang pagsamba kung saan hinahabi rin ng mga babae ang mga toldang ginagamit sa pagsamba sa diyus-diyosang si Ashera.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)