2 Kings 6:11 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang isipan ng hari ng Siria ay lubhang nabagabag dahil sa bagay na ito. Kanyang tinawag ang kanyang mga lingkod, at sinabi sa kanila, "Sabihin ninyo sa akin! Sino sa atin ang nasa panig ng hari ng Israel?"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dahil dito, nagalit ang hari ng Aram. Ipinatawag niya ang mga opisyal niya at sinabi, “Sino sa inyo ang kumakampi sa hari ng Israel?”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang puso ng hari sa Siria ay nabagabag na mainam dahil sa bagay na ito; at kaniyang tinawag ang kaniyang mga lingkod, at sinabi sa kanila, Hindi ba ninyo ipakikilala sa akin kung sino sa atin ang sa hari sa Israel?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dahil dito, labis na nabahala ang hari ng Siria. Kaya, tinipon niya ang kanyang mga tauhan at tinanong, “Magsabi kayo ng totoo. Sino sa inyo ang nakikipagsabwatan sa hari ng Israel?”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dahil dito, labis na nabahala ang hari ng Siria. Kaya, tinipon niya ang kanyang mga tauhan at tinanong, “Magsabi kayo ng totoo. Sino sa inyo ang nakikipagsabwatan sa hari ng Israel?”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dahil dito, labis na nabahala ang hari ng Siria. Kaya, tinipon niya ang kanyang mga tauhan at tinanong, “Magsabi kayo ng totoo. Sino sa inyo ang nakikipagsabwatan sa hari ng Israel?”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)