2 Kings 7:1 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit sinabi ni Eliseo, "Pakinggan ninyo ang salita ng PANGINOON. Ganito ang sabi ng PANGINOON: Bukas sa ganitong oras, ang isang takal ng piling harina ay ipagbibili ng isang siklo, at ang dalawang takal ng sebada sa isang siklo sa pintuang-bayan ng Samaria."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ni Eliseo, “Pakinggan mo ang mensahe ng Panginoon: Bukas, sa ganito ring oras, magiging mura ang bilihin sa pamilihan ng Samaria. Isang pirasong pilak na lang ang halaga ng isang takal na harina at ganoon din ang halaga ng dalawang takal ng sebada.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ni Eliseo, Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ganito ang sabi ng Panginoon: Bukas sa may ganitong oras, ang isang takal ng mainam na harina ay maipagbibili ng isang siklo, at ang dalawang takal ng sebada ay ng dalawang siklo, sa pintuang-bayan ng Samaria.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi ni Eliseo, “Makinig kayo sa ipinapasabi ni Yahweh: ‘Bukas sa ganitong oras, sa may pagpasok ng Samaria ay makakabili ka na ng isang takal na pinong harina o dalawang takal na sebada sa halagang isang pirasong pilak.’”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi ni Eliseo, “Makinig kayo sa ipinapasabi ni Yahweh: ‘Bukas sa ganitong oras, sa may pagpasok ng Samaria ay makakabili ka na ng isang takal na pinong harina o dalawang takal na sebada sa halagang isang pirasong pilak.’”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi ni Eliseo, “Makinig kayo sa ipinapasabi ni Yahweh: ‘Bukas sa ganitong oras, sa may pagpasok ng Samaria ay makakabili ka na ng isang takal na pinong harina o dalawang takal na sebada sa halagang isang pirasong pilak.’”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)