2 Kings 7:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang magkagayon, ang punong kawal na sa kanyang kamay ay nakahilig ang hari, ay sumagot sa tao ng Diyos, "Kung mismong ang PANGINOON ang gagawa ng mga dungawan sa langit, ito na kaya iyon?" Ngunit kanyang sinabi, "Makikita mo iyon ng iyong mga mata, ngunit hindi ka kakain mula roon."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ng opisyal na katiwala ng hari, “Kahit na magpaulan pa ang Panginoon hindi magiging ganoon kadami ang ani.” Sumagot si Eliseo, “Makikita mo na mangyayari iyon, pero hindi ka makakakain ng kahit ano.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nang magkagayoy ang punong kawal na pinangangapitan ng hari ay sumagot sa lalaki ng Dios, at nagsabi, Narito, kung ang Panginooy gagawa ng mga dungawan sa langit, mangyayari ba ito? At kaniyang sinabi, Narito, makikita mo yaon ng iyong mga mata, ngunit hindi ka kakain niyaon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi ng opisyal na kanang kamay ng hari, “Hindi magkakatotoo iyang sinasabi mo kahit pa buksan ni Yahweh ang mga bintana ng langit.” Sinabi naman ni Eliseo, “Makikita mong ito'y mangyayari bukas ngunit hindi mo ito matitikman.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi ng opisyal na kanang kamay ng hari, “Hindi magkakatotoo iyang sinasabi mo kahit pa buksan ni Yahweh ang mga bintana ng langit.” Sinabi naman ni Eliseo, “Makikita mong ito'y mangyayari bukas ngunit hindi mo ito matitikman.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi ng opisyal na kanang kamay ng hari, “Hindi magkakatotoo iyang sinasabi mo kahit pa buksan ni Yahweh ang mga bintana ng langit.” Sinabi naman ni Eliseo, “Makikita mong ito'y mangyayari bukas ngunit hindi mo ito matitikman.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y ang punong kawal na pinangangapitan ng hari ay sumagot sa lalaki ng Dios, at nagsabi, Narito, kung ang Panginoo'y gagawa ng mga dungawan sa langit, mangyayari ba ito? At kaniyang sinabi, Narito, makikita mo yaon ng iyong mga mata, nguni't hindi ka kakain niyaon.