2 Kings 8:16 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang ikalimang taon ni Joram na anak ni Ahab, na hari ng Israel, noong si Jehoshafat ay hari sa Juda, si Jehoram na anak ni Jehoshafat na hari ng Juda ay nagpasimulang maghari.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Naging hari ng Juda ang anak ni Jehoshafat na si Jehoram nang ikalimang taon ng paghahari ni Joram sa Israel. Si Joram ay anak ni Ahab.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang ikalimang taon ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel, noong si Josaphat ay hari sa Juda, ay nagpasimulang maghari si Joram na anak ni Josaphat na hari sa Juda.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang si Joram na anak ni Ahab ay limang taon nang naghahari sa Israel, si Jehoram na anak ni haring Jehoshafat ay nagsimula namang maghari sa Juda.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang si Joram na anak ni Ahab ay limang taon nang naghahari sa Israel, si Jehoram na anak ni haring Jehoshafat ay nagsimula namang maghari sa Juda.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nang si Joram na anak ni Ahab ay limang taon nang naghahari sa Israel, si Jehoram na anak ni haring Jehoshafat ay nagsimula namang maghari sa Juda.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)