2 Samuel 13:26 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom, "Kung hindi, hinihiling ko sa iyo na pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon." At sinabi ng hari sa kanya, "Bakit siya sasama sa iyo?"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ni Absalom, “Kung hindi po kayo pupunta, si Amnon na lang na kapatid ko ang payagan nʼyong pumunta.” Nagtanong ang hari, “Bakit gusto mo siyang papuntahin doon?”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nang magkagayoy sinabi ni Absalom, Kung hindi isinasamo ko sa iyo, pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon. At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit siya sasama sa iyo?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Bago umalis si Absalom, sinabi niya sa hari, “Kung hindi kayo makakadalo, si Amnon na lang po ang pasamahin ninyo sa amin.” “Bakit mo siya isasama?” tanong ng hari.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Bago umalis si Absalom, sinabi niya sa hari, “Kung hindi kayo makakadalo, si Amnon na lang po ang pasamahin ninyo sa amin.” “Bakit mo siya isasama?” tanong ng hari.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Bago umalis si Absalom, sinabi niya sa hari, “Kung hindi kayo makakadalo, si Amnon na lang po ang pasamahin ninyo sa amin.” “Bakit mo siya isasama?” tanong ng hari.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom, Kung hindi isinasamo ko sa iyo, pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon. At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit siya sasama sa iyo?