2 Samuel 14:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkatapos ay sinabi niya, "Hinihiling ko na alalahanin ng hari ang PANGINOON mong Diyos, upang ang tagapaghiganti ng dugo ay huwag nang pumatay pa, at upang huwag nang mapuksa ang aking anak." At kanyang sinabi, "Habang buhay ang PANGINOON, wala ni isang buhok ng iyong anak ang mahuhulog sa lupa."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ng babae, “Mahal na Hari, sumumpa po kayo sa Panginoon na inyong Dios, na hindi nʼyo papayagang may maghiganti pa sa anak ko para hindi na lumala ang pangyayari, at para hindi mapatay ang anak ko.” Sumagot si Haring David, “Isinusumpa ko sa Panginoon na buhay, na hindi mapapahamak ang anak mo.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nang magkagayoy sinabi niya, Isinasamo ko sa iyo, na alalahanin ng hari ang Panginoon mong Dios, na huwag patayin ng mapanghiganti sa dugo kailan man, baka kanilang ibuwal ang aking anak. At kaniyang sinabi: Buhay ang Panginoon, walang buhok ng iyong anak na mahuhulog sa lupa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Kung ganoon po,” wika ng babae, “ipanalangin po ninyo kay Yahweh na inyong Diyos na huwag na nilang paghigantihan ang aking anak.” Sumumpa ang hari, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, walang masamang mangyayari sa anak mo.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Kung ganoon po,” wika ng babae, “ipanalangin po ninyo kay Yahweh na inyong Diyos na huwag na nilang paghigantihan ang aking anak.” Sumumpa ang hari, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, walang masamang mangyayari sa anak mo.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Kung ganoon po,” wika ng babae, “ipanalangin po ninyo kay Yahweh na inyong Diyos na huwag na nilang paghigantihan ang aking anak.” Sumumpa ang hari, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, walang masamang mangyayari sa anak mo.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y sinabi niya, Isinasamo ko sa iyo, na alalahanin ng hari ang Panginoon mong Dios, na huwag patayin ng mapanghiganti sa dugo kailan man, baka kanilang ibuwal ang aking anak. At kaniyang sinabi: Buhay ang Panginoon, walang buhok ng iyong anak na mahuhulog sa lupa.