2 Samuel 14:19 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sinabi ng hari, "Kasama mo ba ang kamay ni Joab sa lahat ng bagay na ito?" At sumagot ang babae at nagsabi, "Kung paanong ikaw ay buhay panginoon kong hari, walang makakaliko sa kanan o sa kaliwa sa anumang sinabi ng aking panginoong hari. Ang iyong lingkod na si Joab ang siyang nag-utos sa akin, at siyang naglagay ng lahat ng mga salitang ito sa bibig ng iyong lingkod.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nagtanong ang hari, “Si Joab ba ang nagturo nito sa iyo?” Sumagot ang babae, “Hindi ko po kayang magsinungaling sa inyo, Mahal na Hari. Si Joab nga po ang nag-utos sa aking gawin ito at siya rin ang nagturo sa akin kung ano ang mga dapat kong sabihin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ng hari, sumasaiyo ba ang kamay ni Joab sa bagay na ito? At sumagot ang babae at nagsabi, Buhay ang iyong kaluluwa, panginoon ko na hari, walang makaliliko sa kanan o sa kaliwa sa anoman na sinalita ng aking panginoon na hari, sapagkat ang iyong lingkod na si Joab ay siyang nagutos sa akin, at siyang naglagay ng lahat ng mga salitang ito sa bibig ng iyong lingkod:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“May kinalaman ba si Joab sa ginagawa mong ito?” tanong ng hari. “Mayroon nga po,” tugon niya. “Totoo pong ang lingkod ninyong si Joab ang nag-utos nito sa akin. Siya pong kumatha ng lahat ng sinasabi ko.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“May kinalaman ba si Joab sa ginagawa mong ito?” tanong ng hari. “Mayroon nga po,” tugon niya. “Totoo pong ang lingkod ninyong si Joab ang nag-utos nito sa akin. Siya pong kumatha ng lahat ng sinasabi ko.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“May kinalaman ba si Joab sa ginagawa mong ito?” tanong ng hari. “Mayroon nga po,” tugon niya. “Totoo pong ang lingkod ninyong si Joab ang nag-utos nito sa akin. Siya pong kumatha ng lahat ng sinasabi ko.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinabi ng hari, sumasaiyo ba ang kamay ni Joab sa bagay na ito? At sumagot ang babae at nagsabi, Buhay ang iyong kaluluwa, panginoon ko na hari, walang makaliliko sa kanan o sa kaliwa sa anoman na sinalita ng aking panginoon na hari, sapagka't ang iyong lingkod na si Joab ay siyang nagutos sa akin, at siyang naglagay ng lahat ng mga salitang ito sa bibig ng iyong lingkod: