2 Samuel 15:21 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit sumagot si Itai sa hari, "Habang buhay ang PANGINOON at buhay ang aking panginoong hari, saanman naroroon ang aking panginoong hari, maging sa kamatayan o sa buhay, ay doroon din ang iyong lingkod."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero sumagot si Itai sa hari, “Sumusumpa po ako sa Panginoon na buhay at sa inyo, Mahal na Hari, sasama po kami sa inyo kahit saan kayo pumunta, kahit na kamatayan pa ang kahihinatnan namin.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sumagot si Ittai sa hari, at nagsabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang aking panginoon na hari, tunay na kung saan dumoon ang aking panginoon na hari, maging sa kamatayan o sa kabuhayan ay doroon naman ang iyong lingkod.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit sinabi ni Itai, “Kamahalan, hangga't si Yahweh at ang hari ay nabubuhay, sasama kami sa inyo saan man kayo pumaroon kahit ito'y aming ikamatay.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit sinabi ni Itai, “Kamahalan, hangga't si Yahweh at ang hari ay nabubuhay, sasama kami sa inyo saan man kayo pumaroon kahit ito'y aming ikamatay.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit sinabi ni Itai, “Kamahalan, hangga't si Yahweh at ang hari ay nabubuhay, sasama kami sa inyo saan man kayo pumaroon kahit ito'y aming ikamatay.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)