2 Samuel 16:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sinabi ng hari kay Ziba, "Bakit ka nagdala ng mga ito?" Sumagot si Ziba, "Ang mga asno ay upang sakyan ng sambahayan ng hari; ang tinapay at ang prutas sa tag-araw ay upang makain ng mga kabataan, at ang alak ay upang mainom ng napapagod sa ilang."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Tinanong ni David si Ziba, “Bakit nagdala ka ng mga iyan?” Sumagot si Ziba, “Ang mga asno po ay para sakyan ng sambahayan nʼyo, ang mga tinapay naman at prutas ay para kainin nʼyo at ng mga kasama ninyo, at ang katas ng ubas ay para naman inumin nʼyo kapag napagod kayo sa disyerto.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ng hari kay Siba, Ano ang iyong ibig sabihin sa mga ito? At sinabi ni Siba, Ang mga asno ay upang sakyan ng sangbahayan ng hari; at ang tinapay at ang bunga sa taginit ay upang mangakain ng mga binata; at ang alak ay upang mainom ng nangapapagod sa ilang.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Anong gagawin mo sa mga 'yan, Ziba?” tanong ng hari. Sumagot si Ziba, “Ang dalawang asno ay para sakyan ng inyong pamilya, ang tinapay at ubas ay pagkain ng inyong mga alipin, at ang alak po nama'y para sa sinumang manghihina sa ilang.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Anong gagawin mo sa mga 'yan, Ziba?” tanong ng hari. Sumagot si Ziba, “Ang dalawang asno ay para sakyan ng inyong pamilya, ang tinapay at ubas ay pagkain ng inyong mga alipin, at ang alak po nama'y para sa sinumang manghihina sa ilang.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Anong gagawin mo sa mga 'yan, Ziba?” tanong ng hari. Sumagot si Ziba, “Ang dalawang asno ay para sakyan ng inyong pamilya, ang tinapay at ubas ay pagkain ng inyong mga alipin, at ang alak po nama'y para sa sinumang manghihina sa ilang.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)