2 Samuel 17:6 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang dumating si Husai kay Absalom, sinabi ni Absalom sa kanya, "Ganito ang sinabi ni Ahitofel; atin bang gagawin ang kanyang sinabi? Kung hindi, magsalita ka."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya nang dumating si Hushai, sinabi sa kanya ni Absalom ang payo ni Ahitofel. Pagkatapos, nagtanong si Absalom, “Gagawin ba natin ang sinabi niya? Kung hindi, ano ang dapat nating gawin?”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang dumating si Husai kay Absalom, ay sinalita ni Absalom sa kaniya, na sinasabi, Nagsalita si Achitophel ng ganitong paraan: atin bang gagawin ang ayon sa kaniyang sabi? Kung hindi, magsalita ka.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagdating ni Cusai, sinabi ni Absalom ang payo ni Ahitofel. Tinanong niya si Cusai, “Susundin ba natin si Ahitofel? At kung hindi, ano ang masasabi mo?”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagdating ni Cusai, sinabi ni Absalom ang payo ni Ahitofel. Tinanong niya si Cusai, “Susundin ba natin si Ahitofel? At kung hindi, ano ang masasabi mo?”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagdating ni Cusai, sinabi ni Absalom ang payo ni Ahitofel. Tinanong niya si Cusai, “Susundin ba natin si Ahitofel? At kung hindi, ano ang masasabi mo?”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)