2 Samuel 18:1 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkatapos ay tinipon ni David ang mga tauhang kasama niya, at naglagay sa kanila ng mga pinuno sa mga libu-libo at pinuno ng mga daan-daan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pinaggrupo-grupo ni David ang mga tauhan niya sa tig-1,000 at tig-100 at pumili siya ng mga pinuno na mamumuno sa kanila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At binilang ni David ang bayan na kasama niya, at naglagay ng mga puno ng mga libolibo, at puno ng mga daandaan sa kanila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Tinipon ni David ang lahat ng mga tauhan niya at pinagpangkat-pangkat ang mga ito. Naglagay siya ng mga pinuno sa mga pangkat na tig-iisanlibo at tig-iisandaan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Tinipon ni David ang lahat ng mga tauhan niya at pinagpangkat-pangkat ang mga ito. Naglagay siya ng mga pinuno sa mga pangkat na tig-iisanlibo at tig-iisandaan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Tinipon ni David ang lahat ng mga tauhan niya at pinagpangkat-pangkat ang mga ito. Naglagay siya ng mga pinuno sa mga pangkat na tig-iisanlibo at tig-iisandaan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)