2 Samuel 19:26 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At siya'y sumagot, "Panginoon ko, O hari, dinaya ako ng aking lingkod; sapagkat sinabi ng iyong lingkod, 'Ako'y ipaghanda ng isang asno, upang aking masakyan at humayong kasama ng hari;' sapagkat ang iyong lingkod ay pilay.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumagot siya, “Mahal na Hari, alam ninyong lumpo ako. Sinabihan ko ang utusan kong si Ziba na ihanda ang asno para makasakay ako at makasama sa inyo pero nagtraydor siya sa akin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At siyay sumagot, Panginoon ko, Oh hari, dinaya ako ng aking lingkod: sapagkat sinabi ng iyong lingkod, Akoy maghahanda ng isang asno, upang aking masakyan, at yumaong kasama ng hari; sapagkat ang iyong lingkod ay pilay.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Mahal na hari,” wika niya, “alam po ninyong ako'y pilay. Kaya ipinahanda ko po sa aking katulong ang sasakyan kong asno upang sumama sa inyo. Ngunit hindi niya ako sinunod.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Mahal na hari,” wika niya, “alam po ninyong ako'y pilay. Kaya ipinahanda ko po sa aking katulong ang sasakyan kong asno upang sumama sa inyo. Ngunit hindi niya ako sinunod.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Mahal na hari,” wika niya, “alam po ninyong ako'y pilay. Kaya ipinahanda ko po sa aking katulong ang sasakyan kong asno upang sumama sa inyo. Ngunit hindi niya ako sinunod.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At siya'y sumagot, Panginoon ko, Oh hari, dinaya ako ng aking lingkod: sapagka't sinabi ng iyong lingkod, Ako'y maghahanda ng isang asno, upang aking masakyan, at yumaong kasama ng hari; sapagka't ang iyong lingkod ay pilay.