2 Samuel 22:28 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Inililigtas mo ang isang bayang mapagpakumbaba, ngunit ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas upang sila'y iyong maibaba.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba, ngunit ibinababa nʼyo ang mga mapagmataas.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Ngunit ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mga nagpapakumbabá'y iyong inililigtas, ngunit ang palalo'y iyong ibinabagsak.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mga nagpapakumbabá'y iyong inililigtas, ngunit ang palalo'y iyong ibinabagsak.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mga nagpapakumbaba'y iyong inililigtas, ngunit ang palalo'y iyong ibinabagsak.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain.