2 Samuel 24:13 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't pumaroon si Gad kay David, at sinabi sa kanya, "Darating ba sa iyo ang pitong taong taggutom sa iyong lupain? O tatakas ka ba ng tatlong buwan sa harapan ng iyong mga kaaway samantalang tinutugis ka nila? O magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain? Ngayo'y isaalang-alang mo, at ipasiya mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik sa kanya na nagsugo sa akin."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya pumunta si Gad at sinabi, “ Alin po sa tatlong ito ang pipiliin nʼyo: Tatlong taon na taggutom sa bansa nʼyo, tatlong buwan na tumatakas kayo sa mga kalaban nʼyo habang hinahabol nila kayo, o tatlong araw na salot sa bansa nʼyo? Pag-isipan nʼyo po ito nang mabuti, at ipaalam nʼyo po sa akin kung ano ang isasagot ko sa Panginoon nagsugo sa akin.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa gayoy naparoon si Gad kay David, at nagsaysay sa kaniya: at nagsabi sa kaniya, Darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa iyong lupain? o tatakas ka bang tatlong buwan sa harap ng iyong mga kaaway samantalang hinahabol ka nila? o magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain? ngayoy muniin mo, at dilidilihin mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik doon sa nagsugo sa akin.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Tatlong taóng taggutom sa iyong lupain, tatlong buwang pag-uusig ng iyong mga kaaway o tatlong araw na salot! Alin ang gusto ninyo para masabi ko sa nagsugo sa akin?”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Tatlong taóng taggutom sa iyong lupain, tatlong buwang pag-uusig ng iyong mga kaaway o tatlong araw na salot! Alin ang gusto ninyo para masabi ko sa nagsugo sa akin?”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Tatlong taóng taggutom sa iyong lupain, tatlong buwang pag-uusig ng iyong mga kaaway o tatlong araw na salot! Alin ang gusto ninyo para masabi ko sa nagsugo sa akin?”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa gayo'y naparoon si Gad kay David, at nagsaysay sa kaniya: at nagsabi sa kaniya, Darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa iyong lupain? o tatakas ka bang tatlong buwan sa harap ng iyong mga kaaway samantalang hinahabol ka nila? o magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain? ngayo'y muniin mo, at dilidilihin mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik doon sa nagsugo sa akin.