2 Samuel 24:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sinabi ni David kay Gad, "Ako'y lubhang nababalisa; hayaang mahulog tayo ngayon sa kamay ng PANGINOON, sapagkat malaki ang kanyang kaawaan; ngunit huwag mo akong hayaang mahulog sa kamay ng tao."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumagot si David kay Gad, “Nahihirapan akong pumili. Mas mabuti pang ang kamay ng Panginoon ang magparusa sa amin kaysa ang mga tao, dahil maawain ang Panginoon.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ni David kay Gad, Akoy nasa totoong kagipitan: mahulog tayo ngayon sa kamay ng Panginoon; sapagkat ang kaniyang mga kaawaan ay dakila: at huwag akong mahulog sa kamay ng tao.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sumagot si David, “Hirap na hirap ang aking kalooban sa nangyaring ito. Sapagkat mahabagin si Yahweh, ang pipiliin ko'y ang tuwirang parusa niya, kaysa ako'y mahulog pa sa kamay ng mga tao.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sumagot si David, “Hirap na hirap ang aking kalooban sa nangyaring ito. Sapagkat mahabagin si Yahweh, ang pipiliin ko'y ang tuwirang parusa niya, kaysa ako'y mahulog pa sa kamay ng mga tao.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sumagot si David, “Hirap na hirap ang aking kalooban sa nangyaring ito. Sapagkat mahabagin si Yahweh, ang pipiliin ko'y ang tuwirang parusa niya, kaysa ako'y mahulog pa sa kamay ng mga tao.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinabi ni David kay Gad, Ako'y nasa totoong kagipitan: mahulog tayo ngayon sa kamay ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang mga kaawaan ay dakila: at huwag akong mahulog sa kamay ng tao.