2 Samuel 24:16 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang iunat ng anghel ang kanyang kamay paharap sa Jerusalem upang wasakin ito, ikinalungkot ng PANGINOON ang kasamaan, at sinabi sa anghel na gumagawa ng pag-puksa sa bayan, "Tama na; ngayo'y itigil mo na ang iyong kamay." At ang anghel ng PANGINOON ay nasa may giikan ni Arauna na Jebuseo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang papatayin na ng anghel ang mga mamamayan ng Jerusalem, naawa ang Panginoon sa mga tao. Kaya sinabi niya sa anghel na nagpaparusa sa mga tao, “Tama na! Huwag na silang parusahan.” Nang oras na iyon, nakatayo ang anghel ng Panginoon sa may giikan ni Arauna na Jebuseo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang iunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dakong Jerusalem upang gibain ay nagsisi ang Panginoon sa kasamaan, at sinabi sa anghel na lumipol ng bayan, Siya na; ngayoy itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay nasa giikan ni Arauna na Jebuseo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang iunat ng anghel ang kanyang kamay upang puksain ang mga taga-Jerusalem, pinigil siya ni Yahweh. Nagbago ang pasya nito at sinabi, “Tama na! Huwag mo nang ituloy.” Ang anghel ni Yahweh ay nakatayo noon sa giikan ni Arauna, isang Jebuseo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang iunat ng anghel ang kanyang kamay upang puksain ang mga taga-Jerusalem, pinigil siya ni Yahweh. Nagbago ang pasya nito at sinabi, “Tama na! Huwag mo nang ituloy.” Ang anghel ni Yahweh ay nakatayo noon sa giikan ni Arauna, isang Jebuseo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nang iunat ng anghel ang kanyang kamay upang puksain ang mga taga-Jerusalem, pinigil siya ni Yahweh. Nagbago ang pasya nito at sinabi, “Tama na! Huwag mo nang ituloy.” Ang anghel ni Yahweh ay nakatayo noon sa giikan ni Arauna, isang Jebuseo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nang iunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dakong Jerusalem upang gibain ay nagsisi ang Panginoon sa kasamaan, at sinabi sa anghel na lumipol ng bayan, Siya na; ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay nasa giikan ni Arauna na Jebuseo.