2 Samuel 24:22 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sinabi ni Arauna kay David, "Kunin nawa ng aking panginoong hari at ihandog kung ano ang inaakala niyang mabuti. Narito ang mga baka para sa handog na sinusunog, at ang mga kagamitan sa giikan at ang mga pamatok ng mga baka bilang panggatong.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ni Arauna, “Kunin nʼyo na lang po at ihandog sa Panginoon ang anumang gustuhin nʼyo, Mahal na Hari. Narito ang mga baka para ialay nʼyo bilang handog na sinusunog. Narito rin po ang mga pamatok pati ang mga tabla na ginagamit sa paggiik, at gawin nʼyong panggatong.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ni Arauna kay David, Kunin ng aking panginoon na hari, at ihandog kung ano ang inaakala niyang mabuti: narito, ang mga baka na panghandog na susunugin, at ang mga kagamitan sa giikan at ang mga pamatok ng mga baka na pang kahoy:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Hindi na po kailangang bilhin ito; gamitin na po ninyo sa paghahandog,” tugon naman ni Arauna. Sinabi pa niya, “Mayroon po akong mga toro dito. Ito na po ang inyong ihandog. Ang kariton po namang ito at mga pamatok ay gawin na ninyong panggatong.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Hindi na po kailangang bilhin ito; gamitin na po ninyo sa paghahandog,” tugon naman ni Arauna. Sinabi pa niya, “Mayroon po akong mga toro dito. Ito na po ang inyong ihandog. Ang kariton po namang ito at mga pamatok ay gawin na ninyong panggatong.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Hindi na po kailangang bilhin ito; gamitin na po ninyo sa paghahandog,” tugon naman ni Arauna. Sinabi pa niya, “Mayroon po akong mga toro dito. Ito na po ang inyong ihandog. Ang kariton po namang ito at mga pamatok ay gawin na ninyong panggatong.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)