2 Samuel 7:19 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ito'y munting bagay pa sa iyong paningin, O Panginoong DIYOS; at ikaw ay nagsalita rin tungkol sa sambahayan ng iyong lingkod hanggang sa matagal na panahong darating; at ipinakita mo sa akin ang hinaharap na salinlahi, O Panginoong DIYOS!
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At ngayon, Panginoong Dios, bukod pa rito, may pangako pa kayo tungkol sa kinabukasan ng angkan ko. Ganito po ba talaga kayo makitungo sa tao?
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At itoy munting bagay pa sa iyong paningin, Oh Panginoong Dios; ngunit ikaw ay nagsalita naman ng tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod nang hanggang sa malaong panahong darating; at ito ay ayon sa paraan ng tao, Oh Panginoong Dios!
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Maaaring maliit na bagay lamang ito sa inyong paningin, O Panginoong Yahweh, subalit napakalaki para sa amin sapagkat tiniyak na ninyo ang magandang kalagayan ng sambahayan ko para sa hinaharap.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Maaaring maliit na bagay lamang ito sa inyong paningin, O Panginoong Yahweh, subalit napakalaki para sa amin sapagkat tiniyak na ninyo ang magandang kalagayan ng sambahayan ko para sa hinaharap.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Maaaring maliit na bagay lamang ito sa inyong paningin, O Panginoong Yahweh, subalit napakalaki para sa amin sapagkat tiniyak na ninyo ang magandang kalagayan ng sambahayan ko para sa hinaharap.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ito'y munting bagay pa sa iyong paningin, Oh Panginoong Dios; nguni't ikaw ay nagsalita naman ng tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod nang hanggang sa malaong panahong darating; at ito ay ayon sa paraan ng tao, Oh Panginoong Dios!